- Lyrics
- Album list
Loonie
-
3 Blind Mics
[Featuring:Ron Henley & Gods Will]
[Chorus:] Ako'y nagdaramdam, sayong paglisan Hindi ko malaman kung ano ang dahilan Iniwan mo ako, bakit ka nagtampo? Pinatawad ko ang yong angal-angal
Ako'y nabulag sa pera, nagtatanong kung nasan Ang tamang daanan, nabubulag-bulagan Nagpapasalamat na lamang na buhay ako Kahit lahat ng panaginip ko'y kulay abo Kaya ito ang napili kong paksa Ilan sa mga peklat ng sarili kong bansa Bulag ka ba? Bakit ang napili mo'y ako? Baka dahil bulag sa pag-ibig ko sayo Baka matalisod ako, di ko alam Kung nakatalikod ako o nakaharap Iniwan sa lansangan dahil saking kapansanan Di marunong mag-gitara pero hayup sa bagsakan Kahit pa yumaman, lahat ng pera'y di pa rin sapat Kung di mo mabibilang kung magkano ang lahat Diyos ko po, ang tanging hiling ko lang Ay makasilip naman kahit isang minuto lang
[Chorus:] Ako'y nagdaramdam, sayong paglisan Hindi ko malaman kung ano ang dahilan Iniwan mo ako, bakit ka nagtampo? Pinatawad ko ang yong angal-angal
[Ron Henley:] Di ko na maaninag ang aking nilalakaran Di ko na malaman kung anong tinatapakan Nangangapa baka madapa, matumba Ang daang ito di ko alam kung san papunta Mga matang nakatahi, di ko alam Kung sino ang totoo at hindi Nakangiti, nakangiwi, Kaaway ba o kabati Sa ilog na may shokoy na nanghihila ng binti Nagulat sa mga hubad na katawan Nabulag sa katanyagan at karangyaan Hanggang sa makarinig ng pambihirang tunog Dahilan para magising ang diwang tulog Ayoko sa dilim Ayoko sa mundo walang ibang kulay kundi itim Tanong ko sa sarili sino nga bang talaga? Naghanap pa ng iba, eh nandyan ka lang pala
[Chorus:] Ako'y nagdaramdam, sayong paglisan Hindi ko malaman kung ano ang dahilan Iniwan mo ako, bakit ka nagtampo? Pinatawad ko ang yong angal-angal
[Gods Will:] Sa balat nakaukit, bisyong mainit Ilang beses ko na itong inulit Habang nakaabang sa lansangan Tangan ang pangalan, salita, katunayan Saang larangan man, maaasahan Ang bawat laban sing bigat ng karangalan Katumbas ay kayamanan, kasikatan Kayabangan, kababawan Ambisyon ko'y kaginhawahan Kahirapan ay aking pinagsawaan Diyos pala, demonyo daw ang ugali salawahan Sila ay ipako man o hugasgahan Parang drogang iligal, binabalikbalikan Sanay mapakinggan at maramdaman Ang himig ng saradong bibig ay may laman Malalim ang inisip at walang may alam Tatlong mikropono nagbubulag-bulagan lang pala
[Chorus:] Ako'y nagdaramdam, sayong paglisan Hindi ko malaman kung ano ang dahilan Iniwan mo ako, bakit ka nagtampo? Pinatawad ko ang yong angal-angal
-
|